Monday, June 7, 2010

Reincarnation

email sent by reah aristan. 


As always, madaling araw na naman nakauwi si Rikardo galing sa inuman at lasing na lasing. Pagdating nya ay tulog na ang kanyang misis kaya tumabi nalang sya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, sa muling pagmulat ng mga mata ni Rikardo ay nakita nya na ang katabi ay isang lalaki.  Nagulat sya at biglang bumangon!
Rikardo: Sino ka! At anong ginagawa mo dito sa kwarto namin?!
San Pedro
: Huminahon ka, Rikardo. Hindi ito ang kwarto nyo at ako ay si San Pedro.
Rikardo: Ha? Kung ganon patay na ako!
San Pedro
: Ganon na nga, iho.
Rikardo: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa; ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka, San Pedro pabalikin mo ako sa lupa kahit manlang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!
San Pedro: Teka, huminahon ka. Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw, pero pwede kita i- reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!
Rikardo
: Mmmm, kung bayawak baka mapatay uli ako kaagad. Inahing manok nalang po, San Pedro, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para maging malapit ako sa pamilya ko!
San Pedro
: OK, pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.
At muling nabuhay si Rikardo bilang isang inahing manok. Nakita nya ang sarili na puno ng balahibo at kasama nya ang ibang mga inahing manok sa bukid nila. Kinausap sya ng isa pang inahing manok na si Susy.

Rikardo
: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka, bakit parang umiinit ang tyan ko at kumukulo?
Susy: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mangitlog. Mag-relax ka lang at hayaan mo syang dumaloy.
Rikardo: Ano? Mangingitlog ako!! Oo, nga pala inahin nga pala ako kaya normal lang siguro yun.
Kahit medyo kinakabahan si Rikardo ay sinunod nya si Susy at nailabas nya
ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam ni Rikardo.


Rikardo
: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, Para akong isang ina na nagsilang ng sanggol. Napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito....Pero teka bakit
parang meron pa?
Susy: Hwag ka mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya natin mangitlog ng isa hanggang walo, kaya mag-relax ka lang at hayaan mo silang lumabas.
Rikardo: Ganon ba? O, sige. Maraming salamat, Susy! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero totoong nakakaantig ng damdamin.
At muli nanaman nangitlog si Rikardo. Gumaan muli ang pakiramdam nya.
Napangiti at nasabi nya sa sarili nya na ito ang pinakamasarap na naramdaman nya sa buong buhay nya kahit na noon namumuhay pa sya bilang isang  tao. Halos mapaluha sya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni
Rikardo ang pangatlo nyang itlog ng biglang may matigas na bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig syang malakas na sigaw.


Misis
: Hoooy, Put@*%*#! Mo! Gumising kang demonyo ka! Bakit ka tumatae sa kama natin?!!!

No comments:

Post a Comment