Wednesday, April 14, 2010

Oo.. PINAY AKO!!

Isang ordinaryong araw nanaman sa buhay ko.. eto walang magawa sa opisina.. naghahanap ng gagawin.. naisipan kong mag surf sa internet.. una nag titngin lang ako ng mga recipe.. parang feel ko kasing magluto.. pero habang nag
se-search ako.. may lumabas na filipina girls.. napaisip ako kung anong
napaloob sa search na ito..


Nagsimula akong magbukas ng mga websites at kung anong meron dito.. pero napaisip ako.. talaga bang ganon na ka talamak ang pagiging mail order bride natin.. napakarami nating mga kababayan ang mas pipiliing makapang asawa ng
isang dayuhan kesa mga kapwa pinoy.. ndi kio sila masisisi.. oo pagiging
praktikal ang dahilan ng iba kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito..


Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nating huthutan ang matatandang dayuhan para sa ating mga pansariling panganagilangan.. napakaraming bumabatikos sa mga ganitong gawain.. pero talamak na talamak pa
din..


Napakaraming humahang sa kagandahan ng isang pilipina.. isa sa mga nabasa ko ang tanong na kung ang pilipina ay ang pinakamagaganda.. sus tinatanong pa ba un.. (joke).. pero kidding aside.. nde mo naman masasabi kung tayo talaga ang
pinaka maganda.. sabi nga nila ‘Beauty is in the eye of the beholder’ tumpak..
nde ko sinasabi sa mga ibang lahi na purihin ang itsura ng mga kababayan ko..
pero nde din naman siguro tamang pintasan ang pisikal na itsura natin..


Oo ang mga pinay maliliit, pango at kayumangi.. pero naisip nyo na bang lumibot sa asya at tignan ang mga karatig bansa ng pilipinas.. ang mga thailander, vietnamese at malaysian ay halos kamukha ng natin..HIndi ko
pinipilit ang mga taong magandahan sa itsura ng mga pilipina pero hindi ba nila
naisip kung nagagandahan din tau sa kanila.. (duh..)


Buti na lang nde na iisa ang batayn ng kagandahan ngaun.. dati pag maputi ka at matangka d maganda ka ka na.. buti lumalawak ang isip ng mga tao sa pagtingin sa kagandahan…

Katulad na lang ng model na si Tyra Banks.. prino-promote nya ang beauty with enthicity.. binubuksan nya ang isip ng kanyang mga televiewers na may iba’t ibang angulo ang kagandahan..

Kaya para sa mga pinay.. itaas ang bandilang kayumangi.. pilipino ka.. IPAGMALAKI MO!!!

No comments:

Post a Comment