Showing posts with label pamilya. Show all posts
Showing posts with label pamilya. Show all posts

Tuesday, June 8, 2010

Sulat ni Itay

email by paul mamiit.

Anak,

sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng magsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara. Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo.

Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya.Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT. Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin.

Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga: LEARN.

Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet.
Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha. Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo. Matuto ka sa mga pagkakamali mo..

Best Regards,
Tatay

Wednesday, April 14, 2010

Pamilya


Ano nga ba ang pamilya??


Ang isang typical na pamilya ay merong ama, ina at mga anak. Pero sa’ting mga pilipino kadalasan ang lolo, lola, tito, tita at mga pinsan ay kasama na ng ating pamilya..


Napaka sensitive ng topic na to.. pero bakit ito ang napili ko.. wala lang.. gusto ko lang magpaka senti..

Para sa mga bumabasa.. hindi ko sinulat to para husgahan nyo ang pagkatao ko.. i just want to have my freedom of speech.. if by any chance meron akong nasaktan.. i didn’t mean it.. I’m just stating the facts from my side of the
story and the things that I’ve remember.. so if you don’t have something nice
to say.. it’s better to shut up and read..


I was a daughter of a OFW family.. meaning wala sa tabi ko ang mga parents ko while i was growing up.. they we’re abroad working, so kagaya din ng mga ibang OFW children, we were living with our lolo’s and lola’s..

Masaya naman ang naging childhood ko, i wasn’t deprived with all the childhood antics.. nakapaglaro ako sa kalsada.. naliligo sa ulan.. tumatakbo ng walang tsinelas at marami pang iba.. i have toys.. maybe they’re not all
expensive pero ok na din..


Masaya nung bata ka.. wala kang iniisip kundi maglaro.. you hate being at school.. sometimes you hate people na tinatawag ka para kumain or matulog or simply pumasok ka sa loob ng bahay dahil gabi na..


My dad died when i was around 5.. i didn’t know the true meaning of death way back then so hindi ako umiyak.. i was too young to understand what is happening.. the last memory i had with him was on his death bed.. almost
lifeless.. my grandparents asked me to kiss him.. but i didn’t know that I’m
already saying goodbye.. forever..


My mom had to go back to Dubai that time.. or else wala kaming kakaining magkapatid.. so she did..

That time ok lang.. kasi bata ka.. you don’t understand kung bakit nila ginagawa yun.. pero sa mga naiwan.. mahirap..


While i was growing up.. naririnig ko ang mga classmates ko talking about their parents.. pero papatalo ba naman ako.. syempre bida din ako.. pero come to think of it.. alam ko ba talaga ang mga sinasabi ko.. nasaksihan ko ba ang
mga kinekwento ko.. or it just came out from the mouth of someone in my
family.. when that came into me.. i begun to wonder…


Ano nga ba ang pamilya.. dapat ba nanjan ang tatay, nanay at mga kapatid para matawag mong pamilya kau?? dapat ba ang mga magulang ay nsa tabi mo para masabing masaya kau?? magulo.. naguguluhan ako…


Pag nagkaka-kwentuhan.. at pinag-kwekwentuhan ang bahay.. minsan napaisip ako.. may bahay ba talaga ako?? siguro bahay meron.. pero ung tahanan.. meron nga ba?? lumaki kaming papalit palit.. dito.. jan.. dito uli at jan.. kaya
minsan iniisip ko.. san nga ba ang bahay ko?? sino ba ang pamilya ko??


Naiingit ako kapag nagkwekwentuhan ang mga kaibigan ko tungkol sa pamilya nila.. hindi man masaya.. pero kumpleto.. pero un nga ba ang gusto ko?? o hinahanap ko lang dahil hindi ko naranasan..


Dahil dito.. hindi marangyang buhay ang pinangarap ko kagaya ng iba.. kundi kumpletong pamilya.. tatay, nanay at mga anak.. mababaw ba?? siguro sa mga taong lumaki na may nanay, tatay at tinatawag na bahay.. pero sa katulad ko..
eto ang ultimate dream ko.. to build my own family.. siguro nde kagaya ng nasa
fairytale o nasa pilikula na palaging may happy ending.. kahit marami sigurong
paghihirap ok na.. basta may matawag akong akin.. PAMILYA KO..


Mahal ko ang mga relatives ko.. lahat sila.. kahit pasaway ako.. at hindi ko ganong sinasabi.. mahal ko sila.. un ang alam ko.. pero in 24 years of my life.. nde naman sigurong masama kung pangarapin ko pa din ang makabuo nga
family..


Dahil dito i ended up in a wrong relationship..


Palagi akong nasasaktan.. in every aspect you can imagine.. I’ve been to that phase.. pero i always go back.. ask me why.. sa kanya ko lang nahanap ung pamilyang hinahanap ko.. ung may uuwian ka at sasabihin mong akin.. nde man
kumpleto.. i was building a family in my dreams..

Siguro sakin lang pero thats the closest thing i can get from getting one.. ang babaw no.. at walang reasoning kung iisipin.. pero mali bang maghangad ng isang bagay na matagal mo nang minimithi at makukuha mo to kahit
masaktan at magsakripisyo ka..

Alam ko mali.. pero bakit I’m willing to give up and sacrifice everything just to have this so called family??


Kaya bago mahuli ang lahat.. to my family.. eventhough i dont see you, speak with you often.. i want you to know that i love you..

At sa mga taong tine-take for granted ang family nila.. always be thankful you have them.. or you’ll end up like me.. having no one..