Ano nga ba ang pamilya??
Ang isang typical na pamilya ay merong ama, ina at mga anak. Pero sa’ting mga pilipino kadalasan ang lolo, lola, tito, tita at mga pinsan ay kasama na ng ating pamilya..
Napaka sensitive ng topic na to.. pero bakit ito ang napili ko.. wala lang.. gusto ko lang magpaka senti..
Para sa mga bumabasa.. hindi ko sinulat to para husgahan nyo ang pagkatao ko.. i just want to have my freedom of speech.. if by any chance meron akong nasaktan.. i didn’t mean it.. I’m just stating the facts from my side of the
story and the things that I’ve remember.. so if you don’t have something nice
to say.. it’s better to shut up and read..
I was a daughter of a OFW family.. meaning wala sa tabi ko ang mga parents ko while i was growing up.. they we’re abroad working, so kagaya din ng mga ibang OFW children, we were living with our lolo’s and lola’s..
Masaya naman ang naging childhood ko, i wasn’t deprived with all the childhood antics.. nakapaglaro ako sa kalsada.. naliligo sa ulan.. tumatakbo ng walang tsinelas at marami pang iba.. i have toys.. maybe they’re not all
expensive pero ok na din..
Masaya nung bata ka.. wala kang iniisip kundi maglaro.. you hate being at school.. sometimes you hate people na tinatawag ka para kumain or matulog or simply pumasok ka sa loob ng bahay dahil gabi na..
My dad died when i was around 5.. i didn’t know the true meaning of death way back then so hindi ako umiyak.. i was too young to understand what is happening.. the last memory i had with him was on his death bed.. almost
lifeless.. my grandparents asked me to kiss him.. but i didn’t know that I’m
already saying goodbye.. forever..
My mom had to go back to Dubai that time.. or else wala kaming kakaining magkapatid.. so she did..
That time ok lang.. kasi bata ka.. you don’t understand kung bakit nila ginagawa yun.. pero sa mga naiwan.. mahirap..
While i was growing up.. naririnig ko ang mga classmates ko talking about their parents.. pero papatalo ba naman ako.. syempre bida din ako.. pero come to think of it.. alam ko ba talaga ang mga sinasabi ko.. nasaksihan ko ba ang
mga kinekwento ko.. or it just came out from the mouth of someone in my
family.. when that came into me.. i begun to wonder…
Ano nga ba ang pamilya.. dapat ba nanjan ang tatay, nanay at mga kapatid para matawag mong pamilya kau?? dapat ba ang mga magulang ay nsa tabi mo para masabing masaya kau?? magulo.. naguguluhan ako…
Pag nagkaka-kwentuhan.. at pinag-kwekwentuhan ang bahay.. minsan napaisip ako.. may bahay ba talaga ako?? siguro bahay meron.. pero ung tahanan.. meron nga ba?? lumaki kaming papalit palit.. dito.. jan.. dito uli at jan.. kaya
minsan iniisip ko.. san nga ba ang bahay ko?? sino ba ang pamilya ko??
Naiingit ako kapag nagkwekwentuhan ang mga kaibigan ko tungkol sa pamilya nila.. hindi man masaya.. pero kumpleto.. pero un nga ba ang gusto ko?? o hinahanap ko lang dahil hindi ko naranasan..
Dahil dito.. hindi marangyang buhay ang pinangarap ko kagaya ng iba.. kundi kumpletong pamilya.. tatay, nanay at mga anak.. mababaw ba?? siguro sa mga taong lumaki na may nanay, tatay at tinatawag na bahay.. pero sa katulad ko..
eto ang ultimate dream ko.. to build my own family.. siguro nde kagaya ng nasa
fairytale o nasa pilikula na palaging may happy ending.. kahit marami sigurong
paghihirap ok na.. basta may matawag akong akin.. PAMILYA KO..
Mahal ko ang mga relatives ko.. lahat sila.. kahit pasaway ako.. at hindi ko ganong sinasabi.. mahal ko sila.. un ang alam ko.. pero in 24 years of my life.. nde naman sigurong masama kung pangarapin ko pa din ang makabuo nga
family..
Dahil dito i ended up in a wrong relationship..
Palagi akong nasasaktan.. in every aspect you can imagine.. I’ve been to that phase.. pero i always go back.. ask me why.. sa kanya ko lang nahanap ung pamilyang hinahanap ko.. ung may uuwian ka at sasabihin mong akin.. nde man
kumpleto.. i was building a family in my dreams..
Siguro sakin lang pero thats the closest thing i can get from getting one.. ang babaw no.. at walang reasoning kung iisipin.. pero mali bang maghangad ng isang bagay na matagal mo nang minimithi at makukuha mo to kahit
masaktan at magsakripisyo ka..
Alam ko mali.. pero bakit I’m willing to give up and sacrifice everything just to have this so called family??
Kaya bago mahuli ang lahat.. to my family.. eventhough i dont see you, speak with you often.. i want you to know that i love you..
At sa mga taong tine-take for granted ang family nila.. always be thankful you have them.. or you’ll end up like me.. having no one..
No comments:
Post a Comment