Wednesday, April 14, 2010

Notebook

Simula ng lumabas ang mga libro ni Bob Ong ang dami nang lumabas na aspiring writers.. para kasing nagkaroon ng freedom sa writing.. walang format,
walang grammar.. sulat lang.. basta meron kang ball pen at papel
qualified writer ka na!!!
Ako isa din ako sa mga aspiring writers.. hindi man ako yumaman sa pagsusulat… hindi man ako sumikat, magkaron lang ako ng 2 – 3 audience
pwede na.. yung tipong nakaka-relate at nakaka-appreciate ng mga walang
katuturang bagay na pinag sususulat ko.. (Drama!!!)

Ako bilang writer… Nakakatawa.. hahaha!!!
Nagsimula akong magsulat noong 3 years old pa lang ako.. Joke!!!

Eto seryoso na…

Ako bilang writer…
Nagsimula ang hilig ko sa pagsusulat nung grade 4 ako… noon pa lang mahililg na kong mag day dream… yung tipong pang teleserye.. by episode… pag hindi
ko natapos.. lagging to be continued.. laging may next episode…

Pero isang araw nanawa din ako.. nakakalimutan ko kasi ung last episode ng mga day dream ko… kaya ayun ball pen at notebook naman ang pinag tripan
ko…
Nakakita ako ng ball pen at mga gamit na notebook ko at ng ate ko.. kinuha ko yung mga blank pages… gamit ang hairpin at yarn.. tinahi ko.. ayos!!!
Parang bago na ulit.. pwede ko ng sulatan!!!

Yung mga unang stories ko para bang script ng play.. parang ganito..

AKO: Kumusta??
SIYA: OK lang..
AT SABAY SILANG TUMAWA… THE END…

Parang ganon.. inspiration ko non ay yung ANG TV the movie.. at ang ka love team ko ay si PATRICK GARCIA!!! Ayos diba kasama ako sa mga bida..
Bakit ba ako ang writer eh.. marunong ka pa!!!
Hangang sa dumating ang GIMIK, TGIS at Magic Temple .. ayan kung sino sino tuloy nagging ka love team ko.. grabe ang ganda ko!!!
Naka 7 – 8 stories din ako.. tapos dumating ang high school at nagising din ako sa kabaliwan ko… in short.. bumalik na ko sa earth..

High School.. sabi nila dito nagaganap ang lahat ng first.. first love.. first kiss at kung ano ano pa.. lahat kasi gusto mong i-try..
pakiramdam mo kasi your old enough to do some certain things… in
between a child and adult kung baga… pero ako meron din akong 1st.. ditto ko isinulat ang first English poem ko…oo totoo!!! Walang joke.. English nga… naka buo din ako ng isang notebook na
tagalog, English at tag-lish na tula , short stories at kung ano ano
pa.. ung iba totoo… ung nararamdaman ko.. experiences ko.. pero ung
iba… gawa gawa ko lang… ehehehe…

Hangang sa nag college ako.. may isa akong nakilalang mahilig ding magsulat.. adik din… pinahiram ko ung notebook ko… nagandahan ata sa mga pinag
sususulat ko… (walang bribe ung huh.. ehehe) .. ipinabasa sa iba ayun
napag pasa-pasahan na at tuluyan nang hindi nakabalik sakin..bad trip nga.. ilang taon ko din kasing kinolekta un..

Time pass.. nag modernize na din ako.. kasi nauso na ang mga blogs.. kaya dun ko ngaun nilalagay ang mga sentimyento ko sa buhay…

At ngaun napag tripan ko nanamang sumulat… gamit ang A4 size na envelope na kinuha ko galing opisina… binuksan ko para maging 2 sided.. nagmumukmok habang nagbiyabyahe pauwi…

No comments:

Post a Comment