Hay.. one of those days na hindi mo maiwasang mag EMO.. minsan sa dami ng problema ko hindi ko alam kung matatawa nalang ba ko o ano.. kasi alam ko choice ko naman to.. kung baga effects ng mga actions ko before.. no one to blame sabi nga nila.. kaya nga minsan pag may problema ko.. mas gusto ko nalang sinasarili kahit parang sasabog na ung dibdib mo.. gusto mong ilabas pero wala kang mapaglabasan.. minsan kasi iniisip mo.. kahit naman masabi mo sa ibang tao o malabas mo ung sama ng loob mo oo gagaan pakiramdam mo.. pero may mangyayari ba?? sige hihingi ka ng advice.. tanong susundin mo ba? kaya minsan pag ganito.. yosi at tamang buntong hininga nalang ang trip ko.. thinking this too shall pass.. wala naman permanente sa mundo.. good or bad.. temporary lang kaya all i can do is pray na malagpasan ko lahat ng mga nararamdaman ko ngaun.. minsan din pag ganito nararamdaman ko.. ayaw kong lumalabas ng bahay.. kasi alam ko clouded ang judgement ko so baka kung anong katarantaduhan lang ang magawa ko and makes things even worst.. so mukmok for a while and pray for a better day...
Pero pano din kaya un no.. ang hirap kasing makahanap ng taong ung tipong hindi ka pa nagsasalita bigla ka nalang aakapin at sasabihing 'i know' .. tipong no questions ask.. tipong tama at mali hindi ka nya i-ju-judge... hay basta un na un..
Showing posts with label homesick. Show all posts
Showing posts with label homesick. Show all posts
Monday, September 12, 2011
Monday, September 27, 2010
Homesick
Ang hirap pag malayo ka sa lahat.. sa pamilya, sa kaibigan pati sa special someone mo. ok lang sana kung meron kang napaglilibangan at napagsasabihan ng sama ng loob ung tipong kilala ka talaga hindi ka huhusgahan kung ano mang sabihin mo at isipin mo. ung tipong yayakapin ka nalang bigla at sasabihin sayong "OK LANG YAN"
Hirap maging OFW all work and no play, ang hirap magpretend na OK ka pero ang totoo unti unti kang namamatay minsan pa nakakasama ng loob ung mga so called friends mo maaalala ka lang kung may kailangan sayo usually pera ang ibig sabihin nito.. feeling ata nila na porke nasa ibang bansa ka eh sumusuka ka ng pera.. ang hindi nila alam sa bawat perang binibigay mo eh isang meal na hindi mo kinain.. o isang bagay na gustong gusto mo pero hindi mo mabili dahil mas inuuna mo ung NEEDS nila.. pero minsan minamasama pa kasi hindi ka nakapagbigay.. hindi mo maaming hindi mo pa kayang magbigay dahil sobrang gipit ka pero hindi mo inaamin.. nanjan ung mangutang ka para lang may ipang-bigay sa kanila at para hindi sumama ang loob nila sau kasi GUSTO MO SILANG MAKITANG MASAYA.. oo wala ka dun pero binibigay mo ung part ng buhay mo na alam mong un ang kaya mong ibigay.
Ngaun homesick nanaman ako, ang hirap labanan nito hindi mo alam kung anong magandang gamot mahirap ang mag-isa maraming hindi nakaka-appreciate ng ginagawa namen pero kung alam nyo lang kung gano kahirap labanan ang lungkot. pwede kang umiyak pero hindi ka pwedeng kainin ng lungkot mo kasi talo ka pag un ang nangyari papahirapan mo lang ang sarili mo. minsan pinipilit mong tumawa pero naplaplastikan ako sa sarili ko pag ganon kasi alam kong hindi ako OK.. tatanungin ka kung kumusta ka ang masasabi mo "OK LANG.." pero ang totoo unti-unting namamatay ang loob mo..
Minsan gusto ko ng sumuko, gusto ko nalang umuwi pero naiisip ko pano ko paguwi ko anong dadatnan ko? parang takot ka ng sumubok kasi hindi mo na alam kung anong pwedeng mangyari dahil sa tagal mong nawala..
in some cases hindi ko masisi ung mga taong nagkakaron ng relasyon sa iba kahit meron clang mga naiwan sa pinas kasi sobrang lungkot pinapantakip nila un sa kalungkutan na dala ng pagiisa. pero hindi ko sinasabing lahat.. (sana sa mga gumagawa nito,, lagyan nyo ng limits.. wag kakalimutan may mga naiwan kau..)
pauwi na ko maghahanap ng gamot sa kalungkutang ito.. pipiliting tumawa at ipakita sa mundo na masaya ako pero sa totoo lang umiiyak ang puso ko..
Wednesday, April 14, 2010
Manila
I’m 2 years away from my beloved manila.. and i’ve already missed alot of things.. grabe.. parang kelan lang inis na inis ako sa baho at sa dami ng tao sa manila.. im not being a critic here.. im just expressing how i feel.. diba meron naman talagang time sa life natin that we hate being in manila.. ngaun ko lang na-realize how lucky i am to be there.. oo merong patayan at hold-up every where.. but looking pass through this things.. marami ka pa din mamimiss.. so i made my list kung ano ano ang namimiss ko sa manila.. hope u enjoy reading it..
mmm… eto na muna wala na ko maisip eh.. saka baka makita pa ko ng amo ko na kung ano ano ginagawa.. ehehe.. byes..
![]() | |
| Mga tambay sa kanto (minsan nakakatakot, pero most of the time harmless naman cla.. and isa din ako sa mga batang kalye nung teen years ko.. ehehe) |
| Mga naglalako ng pagkain (this isn’t a delivery service.. pero san ka naman makakaita ng lugar na ready to eat na, mura pa) |
![]() | |
| Quek quek, fish ball, kiquiam, calamares etc. (meron dito nun.. pero iba pa din ung satin.. lalo na pag nakikipag agawan ka sa mga kapit bahay mong takam na takam na mukhang 3 days ng hindi kumakain) |
mmm… eto na muna wala na ko maisip eh.. saka baka makita pa ko ng amo ko na kung ano ano ginagawa.. ehehe.. byes..
Subscribe to:
Posts (Atom)








