Monday, September 27, 2010

Homesick

Ang hirap pag malayo ka sa lahat.. sa pamilya, sa kaibigan pati sa special someone mo. ok lang sana kung meron kang napaglilibangan at napagsasabihan ng sama ng loob ung tipong kilala ka talaga hindi ka huhusgahan kung ano mang sabihin mo at isipin mo. ung tipong yayakapin ka nalang bigla at sasabihin sayong "OK LANG YAN"

Hirap maging OFW all work and no play, ang hirap magpretend na OK ka pero ang totoo unti unti kang namamatay minsan pa nakakasama ng loob ung mga so called friends mo maaalala ka lang kung may kailangan sayo usually pera ang ibig sabihin nito.. feeling ata nila na porke nasa ibang bansa ka eh sumusuka ka ng pera.. ang hindi nila alam sa bawat perang binibigay mo eh isang meal na hindi mo kinain.. o isang bagay na gustong gusto mo pero hindi mo mabili dahil mas inuuna mo ung NEEDS nila.. pero minsan minamasama pa kasi hindi ka nakapagbigay.. hindi mo maaming hindi mo pa kayang magbigay dahil sobrang gipit ka pero hindi mo inaamin.. nanjan ung mangutang ka para lang may ipang-bigay sa kanila at para hindi sumama ang loob nila sau kasi GUSTO MO SILANG MAKITANG MASAYA.. oo wala ka dun pero binibigay mo ung part ng buhay mo na alam mong un ang kaya mong ibigay.

Ngaun homesick nanaman ako, ang hirap labanan nito hindi mo alam kung anong magandang gamot mahirap ang mag-isa maraming hindi nakaka-appreciate ng ginagawa namen pero kung alam nyo lang kung gano kahirap labanan ang lungkot. pwede kang umiyak pero hindi ka pwedeng kainin  ng lungkot mo kasi talo ka pag un ang nangyari papahirapan mo lang ang sarili mo. minsan pinipilit mong tumawa pero naplaplastikan ako sa sarili ko pag ganon kasi alam kong hindi ako OK.. tatanungin ka kung kumusta ka ang masasabi mo "OK LANG.." pero ang totoo unti-unting namamatay ang loob mo..

Minsan gusto ko ng sumuko, gusto ko nalang umuwi pero naiisip ko pano ko paguwi ko anong dadatnan ko? parang takot ka ng sumubok kasi hindi mo na alam kung anong pwedeng mangyari dahil sa tagal mong nawala.. 

in some cases hindi ko masisi ung mga taong nagkakaron ng relasyon sa iba kahit  meron clang mga naiwan sa pinas kasi sobrang lungkot pinapantakip nila un sa kalungkutan na dala ng pagiisa. pero hindi ko sinasabing lahat.. (sana sa mga gumagawa nito,, lagyan nyo ng limits.. wag kakalimutan may mga naiwan kau..) 

pauwi na ko maghahanap ng gamot sa kalungkutang ito.. pipiliting tumawa at ipakita sa mundo na masaya ako pero sa totoo lang umiiyak ang puso ko..

No comments:

Post a Comment