Mahirap maging isang pilipino, lalo na kung trabaho ang paguusapan. hindi ako nagiging nega o whatever pero ito ang totoo, masakit man pero kailangan nating tangapin ang katotohanang laganap sa buong bansa.
Hindi ka COLLEGE GRADUATE kaya wala kang lugar sa mga prime establishments ng bansa, pwede ka lang sa mga middle class business na alam naman nating mahirap umangat lalo na sa panahon ngaun ng taghirap. Minsan nga mahirap din kasi may college degree ka na nga, hindi ka pa makapasok ng trabaho, una munang tinatanong kung saang eskuelahan ka galing. Sus naman, kung nde din lang sa isang mamahaling eskwelahan at sa isang State U ka nangaling eh wala na, pahirapan na ng pagkuha ng trabaho.
Sa isang fast food chain o pabrika lang ang bagsak mo kung ganito. Hindi ko sinisisi ang pilipinas, ang bansa ay isa lamang biktima ng mga taong naninirahan dito. Tao ang tumutuldok sa kung hangang saan ka pupunta. Oo inaamin kong nasa pagsisikap pa din yan, pero anong magagawa ng isang mamamayang tulad ko kumpara sa mga dambuhalang multi-national companies. wala diba.
Napakaraming kumpanya sa atin ang hindi tumitingin sa kakayahan ng isang tao, mas tinitignan nila ang back ground o ang STATUS QUO ng isang tao. Bakit ba sa ibang bansa nagsisiksikan ang mga pilipino?? Hindi lang dahil walang enough na trabaho sa pilipinas, dahil napakalakas ng discrimination sa atin kumpara sa ibang bansa.
Gaya sa bansa na kinalalagyan ko ngaun, merong mga pilipino na hindi nakatapos ng kolehiyo pero BIG TIME.. bakit?? kasi hindi dahil sa well compensated sila, isa lang un sa mga dahil pero BIG TIME cla dahil ina-acknowledge ng kanilang mga employer ang kakayahan nila hindi ang kanilang pinangalingan. Eh sa atin, 10 taon ka na sa trabaho, hindi ka ma-promote at ang isang galing sa prestiyosong eskwelahan na 6 na buwan pa lang sa kumpanya ang nakakakuha ng promotion..
Hindi ako bitter na tao pero kung laging ganito, pasasaan tau?
No comments:
Post a Comment