Thursday, June 3, 2010
First Day of School
Pasukan nanaman.. panic buying nanaman ang mga students sa pamimili ng school supplies sa mall, sa palengke, sa divisoria, you name it.. kahit saan na may nagbebenta ng school supply im sure patok ang business nila ngaun.
I remember when i was in high school, cge siksik sa national bookstore, kahit hindi mahulugang karayom ang place cge pa rin sa siksik. magdadabog ka pa pag hindi catleya ang nabili mong notebook!! maarte kasi ako nun, kailangan ung maganda, kailangan ung one of a kind. tapos eto na bag naman!! jan ako hindi maarte, ok lang kahit walang tatak or mura basta cute, medjo kikay kasi ako when i was in high school.. eh masisisi nyo ba naman ako eh un ang time na todo pa-cute ka para mapansin ka ng mga crush mo.
Excited nanaman ang mga students!! xempre mixed emotions na, pero for sure hindi sila sa school excited.. sus i've been there noh!! i know.. student life has its own diversities, uu we need to study and all but thats not the whole story.. they're more excited on seeing their friends, crushes and even our enemies.. iniisip mo din kung meron ka bang magiging cute na classmate, masasagot na ang katanungan mo nuong summer.. like "pumayat kaya si ____" or "cute pa din kaya si ____" .. pwede ding "maganda na ko now, sana ligawan na ko ni _____"... o diba totoo naman..
First Day of school, first year, wala akong kakilala, as in new faces lahat, Torres is for high school only so talagang alienated ako.. xempre hindi din maiiwasan ma-intimidate sa mga ibang students, lalo na mga seniors.. feeling mo mabu-bully ka any monument!! hahaha.. maliit talaga ko noon pa man.. kaya feeling ko naglalakihan ang tao around me.. parang na-culture shock ako kasi parang ang dami daming tao at ang gulo gulo. imagine isa ka sa seniority sa old school mo tapos dito back to zero ka nanaman. pero eventually i made friends un nga lang iba ang friends ko nung first day kesa sa mga naging friends ko for the whole school year.. but it was ok.. i had a very good time naman eh.
So yun, natapos ang school year.. 2nd year started, eto medjo ok na. medjo mayabang ka na, kasi meron ng mas bata sau.. sus it happens noh, kung baga big sister ka na kasi, pwede ka na din mang bully, pero nde naman ako bully.. bait kaya ako.. :D
3rd year.. jr na.. ehem dalaga ka na.. by this time feeling mo mahaba na talaga ang hair mo.. at isa pa mahaba na ang sungay mo.. kasi feeling mo you know whats it to know bout ur school, and in some cases the students. sa school kasi namin madami kami kaya medjo malabong mangyari to..
4th year.. eto na.. last year mo na sa high school, excited ka na makita ang mga classmates mo.. crush or bf/gf mo.. kahit sino pwede mo na i-bully.. kasi senior ka na.. madami ka na kakilala.. madami ka ng kapit.. 1st day of school palang iniisip mo na ang js. prom and graduation. iniisip mo kung magiging prom queen ka or magiging legend ka sa school nyo.. para sau last straw mo na to..
Pero in every first, there's a last.. i never regret every first of my life, kasi it made me who i am today.
School is more than just books, its the experience that we remember as we grow old. uu naaalala natin ung lessons ng mga teachers pero mas naaalala natin kung anong ginawa natin at kung cno ang mga kasama natin diba..
Looking back at my high school pics makes me wonder how my old friends are, jan mo mapapatunayan na madami kang makikilala, pero only few will stay.
Labels:
first,
high school,
iris,
school
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment