Saturday, July 17, 2010

Lost Soul

Kung babalik ka sa oras kung kelan nagsimulang dumilim ang buhay mo, gagawin mo ba?

Paano kung kahit ilang beses mong balikan ang nakaraan iisang daan pa din ang nilalandas ng buhay mo? 

Paano kung ito ang kapalaran mo? tatangapin mo ba o magpupumiglas kang makalaya sa dilim na bumabalot sa iyong pagkatao?

Paano kung ang tanging dahilan updang lumiwanag ang kinabukasan mo ay ang daang napasikip at kailangan mong magsakripisyo ng isang bagay na isipin mo palang na mawawala sau ay ikakamatay mo na, paano kung un lang ang tanging paraan? gagawin mo ba?

Paano kung pagdating mo sa iyong parooonan ay huli na, nakita mo na ang liwanag pero hindi ka naging masaya, babalik ka ba?

Paano kung unti unting kinakain ng kadiliman ang puso mo, at binabalot ng puot ang iyong pagkatao, ano ang gagawin mo?

Paano kung ang tanging taong nagpapasaya sayo ay sya mismo ang humihila sayo sa lusak na kinalalagyan mo, pakakawalan mo ba sya?

Paano kung dalawa lang ang pagpipilian mo ang guminhawa o ang lumigaya, anong pipiliin mo?

No comments:

Post a Comment