Minsan nahihirapan na ko.. nde ko na lam ang gagawin ko sa problema ko ang dami dami parang walang katapusan, parang hindi pa ko gumising sa umaga na may smile ako at tipong kuntento ako sa nangyayari sa buhay ko.. alam ko wala akong dapat sisihin dahil lahat ng nangyayari sakin ngaun eh disisyon ko, ang hirap lang kasi dahil parang wala ka ng makuhang dahilan para lumaban pa. Minsan umaasa ako na isang araw matatapos din problema ko, para kasing walang katapusan, parang paulit ulit lang. kahit na minsan pinipilit mong gawing tama ang mga bagay bagay pero parepareho pa din ang kinakalabasan. hindi ko alam kung kaya ko pang dalin to wala naman akong mapaglabasan dahil malayo ako. ayaw ko ng magsabi sa pamilya at kaibigan ko dahil alam kong napapagod na din cla sa pakikinig. Minsan gusto ng sumabog ng ulo ko sa kakaisip walang katapusan. iniisip ko hangang kelan, hindi ako nawawalan ng pagasa pero tao ako nanghihina din ako paminsan minsan.sad part pa ung kaisa isang taong pinagkukunan ko ng lakas nalayo pa sakin.. as a person minsan kailangan natin ng nag co-comfort satin diba.. isang hug lang parang nababawasan na ang problema mo.. ang hirap ng magisa ka lalo na sa lugar pang napuntahan mo mahirap makakita ng tunay na kaibigan. karamihan nagdadaan lang. hindi mo naman inaasahan na tulungan ka sa lahat ng problema mo pero makinig lang sau ok na. ang bigat ng nararamdaman ko ngaun sobrang stress na ko.. nde ko lam kung hangang kelan pa ko lalaban...
No comments:
Post a Comment